Natagpuan ng isang 20-anyos na estudyante ang cellphone niya na "nawala" habang natutulog siya sa bahay. Pero laking gulat niya nang makita ang mga "selfie" ng isang unggoy.

Ang naturang video ng unggoy na nakita sa nabawing cellphone ni Zackrydz Rodzi, ipinost ng Reuters sa Twitter.

Sa video, makikita na tila balak ng unggoy na kainin ang cellphone.

 

 

Sa isang ulat ng online news BBC, sinabing nawala ang cellphone habang natutulog ang estudyante at hindi nito alam kung sino ang kumuha.

Isang araw makalipas nito, napansin ng ama ng estudyante ang isang unggoy na malapit sa kanilang bahay.

Subukan niyang i-dial ang number ng nawawalang cellphone ng anak, may nadinig siyang tunog nito sa hindi kalayuan hanggang sa matunton nila ang cellphone.-- FRJ, GMA News