Ipinagdiwang kamakailan ng pamilya Sulit sa kanilang bahay sa San Isidro, Nueva Ecija ang kaarawan ng kambal na sina Robert at Rochelle. Ang piling bisita ng pamilya, nag-picture taking sa bahay at laking gulat nila nang makita ang tila anino ng isang babaeng sumama sa larawan.

Ayon sa magkaibigan, dalawa lang sila nang kunan nila ang larawan kaya nangilabot sila nang makita ang tila anino na mawawangis ang hitsura pero hindi buo ang katawan.

Nang makita ng kapatid ng kambal ang larawan, kaagad niyang namukhaan ang tila anino sa larawan--ang lola raw niyang biglaang pumanaw noong nakaraang taon.

Bumalik nga kaya ang kaluluwa ni lola at may mensahe kaya siyang nais iparating sa naiwan niyang mga mahal sa buhay? Alamin ang ginawang pagsisiyasat ni paranormal researcher na si Ed Caluag.

Panoorin din ang paliwanag ng photo expert sa posibleng dahilan ng pagkakabuo ng tila anino sa larawan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News