Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang ginawang parody ng isang lalaki sa online class na kunwaring naging online selling.

Ayon kay Reymond Delute, isa talaga siyang online seller at naisipan lang niyang gumawa ng video para maghatid ng good vibes.

Ginawa raw niya ang parody video dahil napapanahon ang online classes at online selling.

Sa ulat ng GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing may humigit 900,000 views na ang video ni Delute.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News