Kung ang ibang palaboy at nawala na sa tamang pag-iisip ay pinababayaan na lang kanilang mga kamag-anak, ang lalaking itinago sa pangalang "Rolly," tatlo ang nagsasabing sila ang tunay na kaanak niya at handa siyang kupkopin.

Nang unang maitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ni Rolly sa Samar, may isang babae ang naniniwala na si Rolly ang nawawala niyang mister.

Ang isang babae naman, naniniwala na nawawalang kapatid niya si Rolly. Habang ang isa pang babae, malaki ang paniniwala na si Rolly ang kaniyang pinsan na matagal na nilang hinahanap.

May kaniya-kaniyang palatandaan ang tatlong babae na magpapatunay daw na si Rolly ay kanilang mga kaanak.

Ngunit para makatiyak kung sino talaga sa tatlo ang posibleng tunay na kamag-anak ni Rolly, isinalang sila sa DNA test. At ngayong lumabas na ang pinakahihintay na resulta, isa nga kaya sa kanila ang kamag-anak ni Rolly?

Bukod sa DNA test, bahagya na ring nagbalik ang alaala ni Rolly ay nagawa niyang maisulat ang kaniya umanong pangalan na posibleng makatulong sa pagtukoy ng kaniyang pagkatao.

Panoorin ang kapana-panabik na pagtatapos at pagtukoy sa tunay na pangalan ni "Rolly" sa video na ito.


--FRJ, GMA News