Sa halip na kostumer, baboy ramo ang pumasok sa isang milk tea shop sa China at hinabol pa ang nagulantang na waitress.

Sa video ng GMA NewsFeed, makikita na abala ang waitress nang may bigla na lamang pumasok na wild boar sa establisyimento.

Tumakbo ito paikot ng milk tea shop, hanggang sa hinabol nito ang waitress, na napasampa naman sa counter.

Kusa rin namang lumabas ang naturang hayop kinalaunan.

"I vaguely saw something coming at me. I thought it was a husky, then it broke into the door coming right at me. I didn't realize it was a wild boar until I saw the tusks. It was a wild boar!" sabi ng waitress.

"I was in shock at the moment," dagdag pa niya.

Ayon sa ulat, sumugod naman ang baboy ramo sa isang bus terminal matapos magpunta sa milk tea shop.

Umabot ng tatlong oras bago na-corner ng pulisya ang baboy ramo, na ginamitan nila ng tranquilizer gun base na rin sa payo ng mga conservationist.

May timbang itong 100 kilograms at dinala sa zoo para maalagaan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung saan ito maaaring nanggaling.--Jamil Santos/FRJ, GMA News