Sa isang bayan ng Negros Oriental, may nakatagong paraiso na minsang naging bahagi ng minahan ng sulfur. Ngayon, unti-unti na itong dinadayo ng mga turistang naghahanap ng adventure.

Bago mapuntahan ang secret blue lagoon, kailangan munang dumaan sa tunnel ng inabandonang minahan noon pang dekada 70.

Tatagal ng wala pang limang minuto ang paglalakbay sa tunnel at limang minuto muli papunta ang satellite market ng barangay.

Mula naman sa satellite market, tinatayang 20 minuto muli ang kailangang lakbayin para marating ang nakatagong paraiso. Saan nga ba ito? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


--FRJ, GMA News