Tila hindi problema kay Andrea Torres ang pagbabalik-alindog matapos ang holiday season at "quarantimbang" kung pagbabasehan ang ipinost niyang mga larawan.

Sa kaniyang Instagram account, pinahanga ni Andrea ang kaniyang mga follower at maging ang ilang celebrity dahil sa dalawang larawan niya na kita ang abs.

Simpleng sun emoji lang ang caption ng Kapuso actress sa kaniyang twin photos.

"Grabe Ang sexy mo Talaga ada," sabi ni Benjamin Alves sa comment section.

"Iba!!!," saad naman ni Camille Prats na may fire emoji.

Sabi naman ni LJ Reyes: "Ay grabe twinny!!! Grabe to!!!."

 

 


Ilang araw bago matapos ang 2020, may pasilip na si Andrea ng kaniyang sexy photo in bikini na may caption na, "Gearing up for 2021."

 

 


Tanong ilang niyang followers, may kompetisyon daw bang sasalihan si Andrea?
Mayroon nang mahigit 61,000 likes ang naturang larawan ni Andrea.

Mapapanood si Andrea sa upcoming cultural drama series na "Legal Wives," kasama sina Bianca Umali, Alice Dixson, at Dennis Trillo. —FRJ, GMA News