Tumatak sa mga manonood ng "Sunday PinaSaya" ang pag-impersonate ni Barbie Forteza kay Kris Aquino bilang "Kissy Anino." At sa "The Boobay and Tekla Show," nilagyan ng twist at iba't-ibang version si "Kissy" na nagpasaya nang husto kay Barbie.

Alamin ang Kissy Anino version bilang kambing at manok, Kissy na lasing, Kissy the Beki, at Kissy na pinagsamang Shakira at Ate Guy.  Panoorin ang masayang episode ng "TBATS."


--FRJ, GMA News