Marami netizens ang bumilib nang mag-viral kamakailan sa social media ang obra ng isang lalaki sa Davao de Oro na "painting" ng "Last Supper" na ginawa lang sa resibo.

Sa panayam ng GMA Regional TV Live, ikinuwento ni James Abayon Lolo na tumagal ng dalawang araw at kalahati ang ginawa niyang pagguhit ng "Last Supper" sa resibo.

Bukod sa "Last Supper," may iba pang iginuhit si James sa resibo at ang iba pa niyang kahanga-hangang obra.

Kailan nga ba natuklasan ni James ang kaniyang talento sa pagguhit at ano pa ang kaniyang mga plano sa buhay. Panoorin ang buong panayam sa video na ito.—FRJ, GMA News