Natiyempong nasa kalye ang isang lola dahil nasiraan ang sinasakyang tricycle nang matawagan ni Willie Revillame para sa "Wowowin-Tutok To Win."

Kinuha na rin ni lola ang pagkakataon para humingi ng tulong pinansiyal kay Kuya Wil para sa pagpapagamot ng kaniyang apo na stage 4 cancer.

Pero hindi lang si lola ang nabigyan ng tulong ni kuya Wil kung hindi maging ang driver ng nasiraang tricycle. Panoorin.

--FRJ, GMA News