Lumutang ang kagandahan at hindi lang ang kaseksihan ni “Hipon Girl” Herlene Budol sa isa niyang pictorial.

Sa Instagram account ng co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin,” ipinakita ni Herlene ang pagmodelo niya sa mga kasuotang gawa ng fashion designer na si Leo Almodal.

Marami ang humanga sa mga larawan ni Herlene na todo-awra sa iba't ibang gown.

“Pwede mo nako kainin,” sabi ni Herlene sa caption ng isa niyang larawan.

Madalas na napapanood si Herlene sa kaniyang casual dress at hindi nahihiyang aminin ang pagiging "iskuwami" niya o galing sa mahirap na buhay.

 

 

 

 

 

Binigyan ni Kuya Wil ng break si Herlene na maging co-host sa kaniyang probramang nang maging contestant ang dalaga sa isang segment.

Bukod sa pagiging host, napapanood na rin si Herlene na umarte sa iba't ibang programa sa GMA. —FRJ, GMA News