Sa programang "Tunay Na Buhay," ipinasilip ng mag-asawang Doug at Chesca Kramer ang kanilang mala-resort na bagong tahanan na tiyak na dream house din ng marami.

Ang naturang bahay, mayroon voice activated "man cave," may malaking kusina para sa malaking angkan ng mag-asawa, high-tech na home theater, infinity pool at higit sa lahat--ang napakagandang view.

Sa panayam ng host ng programa na si Pia Arcangel, ibinahagi din ni Doug kung bakit naging emosyonal siya noong iwan nila ang kanilang dating tahanan.

Kasabay nito, sinagot din ng mag-asawa kung magkakaroon ba ng bagong miyembro ang kanilang pamilya. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News