Matapos sabihan ng "matanda na," ang singit naman ngayon ni Geneva Cruz ang pinuntirya ng basher. Pero ang seksing singer, hindi pa rin nagpatalo at sinagot ang komento.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post kamakailan ang 44-anyos na si Geneva, ng larawan niyang naka-bikining pula habang nagbabakasyon sa Boracay.

Isang netizen ang nagkomento sa naturang larawan na, “Ang itim ng singit,” na may kasamang laughing emoji.

Sinagot ito ni Geneva na, “It’s called ‘shadow.’”

Patuloy ng singer, “Pasensya ka na, I forgot to photoshop it for your delight; I’m just a single mother of two, and the groin that you are making fun of is connected to the organ where my two children came out, and although that had happened twice to this body; it is stronger and more beautiful than ever.”

Sabi pa ni Geneva, “I feel sorry for your mother because she raised a prick. Take care.”

 

 

May nagkomento rin sa larawan na nagsabing, “What is up with that black color in the middle is that pubes or just dark? Looks like thick pubes.”

Sagot naman sa kaniya ng mang-aawit, “I have no idea what you’re saying, but it's called #IDGAF what you’re imagining. Hope your gaudy sense of humor makes you pretty.”

Nito lang nakaraang linggo, isang netizen ang nagkomento sa isa ring beach photo ni Geneva na, "Wala na, matanda na." (Basahin: Geneva, sinagot ang netizen na nagsabi sa kaniyang 'matanda na')

Pero gaya ng ibang larawan, mas maraming papuring komento ang natatanggap ni Geneva dahil napapanatili niya ang magandang hubog ng kaniyang katawan kahit mayroon na siyang anak.

Nitong Enero lang, nag-alay pa si Geneva kaniyang bikini photo para sa mga basher.

“For those two women who can’t stand it whenever I show some skin ... Hope you sleep good tonight,” saad niya sa caption.

“Focus on the stretch marks and the loose skin on my belly, maybe that will make you both feel better about yourselves,” ani Geneva. – FRJ, GMA News