Makikitang tanggap ng pamilya ni Julia Barretto ang kaniyang nobyong si Gerald Anderson kung pagbabasehan ang larawan na ipinost sa kanilang family vacation sa isang beach resort.

Sa Instagram post ni Dani, kapatid ni Julia, makikita na kasama rin sa larawan ang kanilang ina na si Marjorie.

Bakas ang kanilang kasiyahan sa larawan na kasama si Gerald at iba pang miyembro ng Barretto family na sina Leon at Claudia, na kapatid ni Julia, si Xavi Panlilio, na asawa ni Dani.

"Mi Familia (insert Millie & Erich here). Missing the beach and this perfect week," saad ni Dani sa post.

 

 

Kung pagbabasehan ang suot nina Julia at Gerald sa larawan, posibleng kuha ito sa araw nang mag-selfie ang dalawa na naging viral sa kaarawan ng aktor.

Bagaman nagsimulang umugong ang relasyon ng dalawa noong 2019, ngayon lang Marso ito kinumpirma ni Gerald sa ginawang tell-all interview ni Boy Abunda. —FRJ, GMA News