Nagbabala ang singer na si Ronnie Liang sa publiko laban sa mga scammer matapos malimas ang laman ng kanilang GCash at iniwanan lang siya ng P8.97.

Sa kaniyang Facebook post nitong March 25, ipinost ng Ronnie, isa ring piloto at military reservist, ang screenshots ng text conversation nila ng manlolokong nagkuwaring GCash agent.

Ayon kay Ronnie, "thousands " ang halagang natangay sa kaniyang e-wallet account.

“Nagtira pa ng 8.97 pesos,” saad niya.

“Sharing this to raise awareness of how these online scams are so rampant and how vulnerable the system is. Please share this post to spread information and to serve as warning to all the gcash users,” patuloy ni Ronnie.

 

BEWARE: Sharing with you the conversation I had with someone who pretended to be a Gcash Agent. The scammer was able to...

Posted by Ronnie Liang on Wednesday, March 24, 2021

 

Nakata-tagged din sa post ni Ronnie ang mga official account ng Globe Telecom at GCash.

Sinisikap pa ng GMA News Online na makuha ang komento ng Globe.— FRJ, GMA News