Diretsahang sinagot ni Kristoffer Martin kung nakararamdam siya ng inggit sa kasikatan ng kaniyang kaibigan na si Alden Richards.

"No!" mabilis na tugon ni Kristoffer sa "The Boobay and Tekla Show.

"Alam ni Alden 'yan, na proud ako sa kaniya, na kung nasaan man siya. Lagi ko siyang tine-text actually kung may mga achievements siya, mga restaurants niya, lagi akong naka-support," dagdag ni Kristoffer.

Nagkasama sina Alden at Kristoffer sa iba't ibang Kapuso projects, tulad ng "Reel Love Presents Tween Hearts" at ng "Tween Academy: Class of 2012."

Matatandaang ding dinamayan ni Alden si Kristoffer nang magka-COVID-19 ang pamilya ni Kristoffer.

"Ang sinasabi ko, hindi talaga ako nakakaramdam ng kahit konting inggit. Wala. Sobrang proud," sabi ni Kristoffer tungkol kay Alden, at sinabing matatag ang kanilang pagiging magkaibigan.--FRJ, GMA News