Nabasag ng BTS hit single na "Dynamite" ang dalawang billboard record matapos itong manguna nang 18 linggo sa Digital Song Sales Chart, na pinakamaraming linggong nag-numero uno para sa isang kanta.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GTV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing ito ang dating record ng "Despacito" nina Luis Fonsi at Daddy Yankee featuring Justin Bieber.

Bukod dito, naungusan na rin ng BTS ang record ng "Gangnam Style" ni Psy para sa longest-running Hot 100 hit ng isang Korean act matapos itong magtagal sa naturang music chart ng 32 linggo.--Jamil Santos/FRJ, GMA News