May sorpresa ang mag-inang Kris at Bimby Aquino kay Miles Ocampo na nagdiwang ng ika-24 na taong kaarawan.

Sa Instagram, nag-post si Kris ng video habang may iniaabot na bouquet of red roses at cake si Bimby kay Miles.

Sa video, may mensahe si Kris kay Miles na itinuturing niyang anak.

“You bring so much joy and appreciation into [mine] and Bimb’s life. You remind us to be grateful. You show me that I have so much love in my heart to give,” anang aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

“You make me happy to take care of you because you express to all of us how thankful you are and never have we felt that you abused our generosity,” patuloy ni Kris.

Inihayag ni Kris ang pagmamahal niya kay Miles, na magiging MCA o Miles Cojuangco Aquino siya “for the rest of [her] life.”

“Never doubt that. Through it all, we are already family. We love you. Happy 24th birthday,” dagdag pa niya.

Inihayag pa ng aktres na hindi siya nagkaroon ng anak na babae, pero ngayon ay mayroon na sa katauhan ni Miles.

Mensahe naman ni Bimby kay Miles na, “have an awesome life, an awesome love life and an awesome everything.”

Mayo 1 nang ipagdiwang ni Miles ang kaniyang kaarawan.

Nitong nakaraang Pebrero, nagbigay din si Bimby ng bulaklak at sweet message kay Miles para sa Valentine’s Day. — FRJ, GMA News