Pinalagan ni Kris Aquino ang isang netizen na nagkomento ng "pilantik ng daliri' kaugnay sa tell-all interview ng kaniyang anak na si Bimby kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-14 kaarawan.

Sa comments section ng Instagram account ni Kris, may isang netizen ang nagkomento ng "Pilantik NG mga daliri."

Hindi ito nagustuhan ni Kris na pahiwatig sa pagkuwestiyon pa rin sa kasarian ng kaniyang anak.

“You know i have had enough of this bullsh*t... If that's the only thing you can criticize about my son then i have really done a f*cking great job as a mom," tugon ni Kris.

"On the other hand, i must say the fact that you choose to pick on the gestures of a 14 year old boy says so much about your lack of propriety," dagdag niya.

Hindi bumawi si Kris sa pagpuna sa pisikal na katangian ng netizen, pero pinuna niya ang "lack of decency" nito.

“I have shut up for too long BUT I have had it. This is my feed, and you are bullying the wrong boy. I am not going to criticize you physically BUT I will call you out on your lack of decency. You cannot handle attacking me so you are attacking my son,” giit niya.

Pagbabala ni Kris, “You chose the wrong mom. I look forward to the day I see you face to face.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

Sa nakaraang pagdiriwang ng kaniyang ika-14 na kaarawan, inihayag ni Bimby, na isa siyang straight na lalaki, na taliwas sa puna ng ilan.

"I'll set the record straight. I like women. I don't like boys," diretsahang pag-amin ni Bimby sa one-on-one interview sa kaniya ng kaniyang ina.

Pero nilinaw ng mag-ina na walang masama sa pagiging bading.

Inihayag din ni Bimby na napatawad na niya ang kaniyang amang si James Yap, kasabay ng pagsasabing hindi siya umano kino-contact nito.--FRJ, GMA News