Marami ang naintriga sa viral photo ni Kim Rodriguez na nakasuot ng two-piece bikini habang tanaw ang magandang kabundukan. Ang aktres, may paglilinaw sa mga nagtatanong at nang-iintriga tungkol sa naturang larawan.

“Hindi po ako nag-hike nang naka-bikini,” saad ni Kim sa kaniyang Instagram story.

“No-HIKE mountain ang Treasure Mountain, and they even have a swimming pool and waterfalls,” dagdag pa ng Kapuso actress.

“Please know the facts muna po. Thanks and hope everyone’s safe and sound,” sabi ni Kim.

 

 

 

Sa viral photo, makikita si Kim na suot ang two-piece swimsuit habang makikitang magandang mountain view.

Sa kaniyang Instagram posts, sinabi ni Kim na nasa Treasure Mountain siya na matatagpuan sa Tanay, Rizal, at naglagay pa siya ng link sa mga nais magtungo doon.

Nag-post din ng iba pang larawan si Kim habang naglalakad sa mabatong daanan at nagpapalamig sa waterfall'.

 

 

FRJ, GMA News