Napuno ng tawanan ang panayam ni Pia Arcangel kay Rufa Mae Quinto para sa "Tunay Na Buhay" nang sumabak ang huli sa "English Only, Please" challenge.

Kasalukuyang nasa Amerika pa rin si Rufa Mae matapos abutin doon ng lockdown noong nakaraang taon.

Kasama naman niya sa Amerika ang kaniyang Filipino-American husband na si Trevor Magallanes at ang kanilang anak na babae.

Dahil Fil-Am ang mister at mas sanay sa wikang Ingles, sinabi ni Rufa Mae na madalas na nauubusan siya ng Ingles kapag kausap ang asawa.

Kaya naman bilang pampa-good vibes, nagsagawa ng "English Only, Please" challenge si Pia na hindi naman inurungan ni Rufa Mae.

Sa naturang challenge, isinalin ni Rufa Mae sa wikang Ingles ang ilang salita sa Filipino na kunwaring kausap niya si Trevor. Panoorin ang nakatutuwang video ng "Tunay Na Buhay."

--FRJ, GMA News