Nahuli-cam ang trahediya sa Dasmariñas, Cavite nang tumama sa isang lalaki at isang buntis ang gulong na gumalas sa isang trak.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras Weekend” nitong Linggo, kinilala ang nasawing lalaki na si Ariel De Guzman, habang isinugod naman sa ospital ang buntis na si Gerlyn Catronuevo.

Sa kuha ng CCTV, nag-uusap ang dalawa sa nakaparadang jeep nang tumama sa kanila ang gulong.

Nakipagkasundo na umano ang kompanyang may-ari ng trak sa pamilya ng mga biktima.--FRJ, GMA News