Bawal ang "sad" sa libing ng isang namayapa sa Bulacan dahil naghabilin ito sa mga kaanak na gawing masaya ang paghahatid sa kaniya sa huling hantungan.

Kaya naman sa nag-viral na video ni Mary Paras, sa halip na malungkot na awitin at umiiyak na tao, mga umiindak sa mga tugtog na pang-Tiktok ang makikitang nakipaglibing sa namayapang si John Pacia.

Sinabi ng ina ni Pacia, ito ang hiling ng kaniyang anak kaya bawal ang malungkot sa paghahatid sa kaniyang libingan, ayon sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes. --Jamil Santos/FRJ, GMA News