Ikinalungkot ni Jaclyn Jose ang nabasang komento na tila minamaliit ang trabaho sa paggawa ng proyekto, at iginiit na "hindi basura" ang kanilang mga pinaghihirapan.

Sa kaniyang Instagram, nagpost si Jaclyn ng isang quote na nagsabing "I don't fear the enemy who may attack me, I fear the fake friend who will still hug me."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

 

"Ang lungkot lang...mula pagpasok ng crew set up tent, hanggang sa pagdating [ng mga] artista at nagkukumahog to be ready, sa set up ng DOP (Director of Photography), set designer, huhugot ang mga artista para ready at all times, maayos trabaho, pagod, pero masaya kasi alam namin nakagawa kami ng relevant scene for a day," caption ng Cannes best actress.

"Pinag-iisipan ng lahat kung ano ba ibibigay per sequence, lahat nagtatrabaho, walang hanggang trabaho. Lahat ginawa ko, pinagtrabahuhan ko, pinag-iisipan ko, kahit ano pagod ginagawa namin makapagbigay ng magandang programa na hindi (BASURA)," dagdag ni pa Jaclyn.

Sa comments section, ipinagtanggol ni Jaclyn ang mga nasa likod ng camera mula sa nagkokomento na tila walang halaga ang kanilang mga ginagawang proyekto.

"Lahat ng nasa production from E.P. to A.P. to P.A., to all the members of the production hanggang utility wardrobe on point! Hanggang sa kuwento, artista, director nagpapawis, nagpapakahirap makagawa ng isang napakaganda panoorin," saad ng batikang aktres.

Muling pagdiin ni Jaclyn: "Pinaghihirapan po namin ang lahat ng lumalabas..hindi po kami (Basura)."

Napapanood ngayon si Jaclyn sa Kapuso primetime series na "The World Between Us," na kinatatampukan din nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Kelley Day at Dina Bonnevie.

--FRJ, GMA News