Kinumpirma ni LJ Reyes na hiwalay na sila ng aktor na si Paolo Contis.

Sa inilabas na 21-second teaser ng Boy Abunda’s “The Interviewer,” tinanong ng host si LJ na: “Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?”

Pigil ang luha na sinabi ng aktres na: “It was so difficult, it was so painful.”

Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, "Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Mapapanood ang buong panayam sa Sept. 1.

--FRJ, GMA News