Sa "Stories of Hope," ikinuwento nina Aira Bermudez, Johlan Veluz, Louise Jane Calilan at Mhyca Bautista kung paano sila nagsimulang mangarap hanggang sa mapabilang sa SexBomb Girls, at kung paano ito tinanggap ng kanilang mga magulang.

"Siyempre si mama masaya tsaka si papa, sila 'yung dalawang kasama ko kapag lumuluwas eh kasi sobrang bata ko pa noon... Tapos 'yung mga kapatid ko rin po, sobrang nakikita ko na natuwa sila noong naging isa ako sa mga SexBomb," ayon kay Mhyca, na nag-audition sa edad niyang 12-anyos.

Pero ang ama ni Louise Jane, hindi tinanggap ang kaniyang pagiging SexBomb.

"My dad is giving me monthly na allowance ko here sa Philippines without his knowledge that I am actually a part of this group. Hindi niya alam til mag-debut ako. Nalaman na lang niya noong nag-Google siya eh," kuwento naman ni Louise.

"Right now we are not talking. Kasi feeling ko iba 'yung dating sa kaniya noong Ginoogle niya 'yung pangalan ng grupo. Kasi he's in London, so ang lumabas is iba, mga bastos kasi SexBomb eh. Akala niya yata porn star na ako eh," dagdag ni Louise.

"I tried reaching out pero sabi ko na nga, pinagpasa-Diyos ko na 'Dad if there comes a time that you need someone to take care of you, I'll be here.' 'Yun na lang," mensahe ni Louise sa kaniyang ama.

Balikan sa video ang pagsisimula sa pagsasayaw nina Aira, Johlan, Louise at Mhyca hanggang sa makilala nila ang manager na si Joy Cancio. Panoorin.

--FRJ, GMA News