Sa pagsisimula ng "Ber" months, dagsa na naman ang mga meme ng itinuturing "King of Christmas Carols" na si Jose Mari Chan.

Pero ayon sa beteranong mang-aawit, dapat alalahanin na higit pa rito ang tunay na diwa ng panahong ito.

"No, no, no. This is not the Jose Mari Chan season," sabi niya sa panayam ng "Unang Hirit."

"Christmas is the celebration of the birth of our Lord Jesus Christ. That's the real meaning of Christmas," paliwanag ni Jose Mari Chan.

Giit pa niya, "So Jose Mari Chan has nothing to do with it. I'm just a little drummer boy."

Natutuwa rin siya na nakikita ang kaniyang memes kapag papalapit na ang "Ber" months.

"The only good thing about it is that it's an old picture of mine," saad niya. "So in the eyes of the social media, Jose Mari Chan doesn't age! He still looks the same!"

Pinayuhan din niya ang publiko na ingatan ang kalusugan ngayong may pandemya at magpabakuna.

Kasabay nito ang pagtulong sa mga nangangailangan.-- FRJ, GMA News