Kilalang matinik si Kuya Kim Atienza pagdating sa trivia. Kaya naman inalam ni Jessica Soho ang mga impormasyon tungkol sa bagong Kapuso na hindi pa batid ng marami. Tulad ng pagbibigay boses niya kay Ultra Man, at  nagulpi siya noon sa isang kudeta.

Kuwento ni Kuya Kim sa "Kapuso Mo Jessica Soho," siya ang boses sa likod nang sikat noon na series na "Ultra Man." Pati pala ang kalaban ng bida, boses din niya ang ginamit.

Mahilig din siyang mangolekta ng mga reptile tulad ng isang dambuhalang sawa na albino na kaniyang alaga.

May koleksyon din siya ng mga prehistoric item tulad ng "dumi" ng dinosaur.

Mahilig din siya sa motorsiklo, kung saan nagamit niya sa panliligaw sa kaniyang naging asawa.

Bata pa lang daw siya ay pangarap na raw talaga ni Kim na sumikat. Kaya kahit na anong trabaho sa media, pinasok niya.

Naging reporter siya sa radyo, nagtrabaho sa TV, at pinasok din niya ang teatro, nag-aral ng ballet at nag-aerobics para lumabas sa tv.

"Ako ang kauna-unahang lalaki na nagsuot ng lycra sa tv...'felix'--'felix bakat,'" biro ni Kuya Kim.

Tunghayan ang buong panayam at lalo pang kilalanin si Kuya Kim kung saan ibinahagi niya ang tatlong insidente na nalagay sa peligro ang kaniyang buhay.

Kabilang na rito ang pagkakagulpi sa kaniya noong kudeta sa Manila Hotel.
Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News