Inihayag ni Kris Aquino na engaged na siya kay dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Sarmiento.

Sa Instagram nitong Linggo, nag-post si Kris ng video na makikita silang dalawa ni Mel na nagbibiruan at may kasamang mga bulaklak.

Sa caption ng video, nagbigay ng mensahe si Kris tungkol kay Mel at ang pasasalamat niya sa kaniyang namayapang kuya na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aqunio III.

"To my best friend and the man I said yes to spending the rest of my life with, thank you for, as Bimb said, loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man," ayon kay Kris.

"It's unreal how much more calm [and] peaceful I feel now that you're here," dagdag niya. "As much as I am proud to be an Aquino, looking forward na akong maging Sarmiento."

Naniniwala rin siya na "matchmaker in heaven" ang kaniyang Kuya 'Noy at masaya ito ngayon para sa kaniya.

"It's been exactly four months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw niya talagang iwanan si bunso na walang magbabantay at mag-aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan niya," ayon kay Kris.

"I can almost hear his voice telling me, 'Kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.' And finally, bunso has learned to obey," patuloy niya.

Hindi raw sila magkakakilala ni Mel kung hindi dahil sa kaniyang Kuya 'Noy, kung saan nagsilbing undersecretary ng DILG si Mel.

"You must have known how broken I'd be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he's made it possible for me to smile and laugh again," aniya.

"Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan—kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God's perfect time," patuloy pa ni Kris.

—FRJ, GMA News