Isang kanta ni Katy Perry ang naisip ni Ahron Villena na gusto nitong ide-dedicate para kay Kakai Bautista. Alamin kung anong kanta ito.

Sa programang "Mars Pa More," sinabi ni Ahron na kantang "Roar" ang napili niyang idide-dedicate sa commedianne, at ipinaliwanag niya kung bakit.

"Malakas ang personality niya. Siya 'yung parang minsan nagfi-first move. Joke!," natatawang biro ni Ahron.

"Kunwari nasa retaurant, 'yung parang nagbibiro, bumabanat ng jokes niya, ganu'n," paliwanag ni Ahron.

Hindi man naging happy ending ang relasyon nila noon, dati nang inihayag ni Kakai na mas mabuti nang magkaibigan silang muli ni Ahron.

"Pero kasi, feeling ko kasi, ang ganda ng nangyari na kahit ganoon na naging sensational kasi, mas maganda 'yung relationship namin ngayon as friends, gano'n. Hindi na kami nahihiyang magsabi ng kung anu-anong mga bagay," sabi ni Kakai.

Matatandaang naging usap-usapan na nagkaroon sina Kakai at Ahron ng relasyon noon.

Ngunit hindi naging maganda ang takbo ng relasyon nila, nang i-delete ni Ahron ang mga larawan nila ni Kakai sa Instagram. --FRJ, GMA News