Napuno ng katatawanan ang kauna-unahang pagsasama bilang host sa segment na "Pera o Kahon" nina Willie "Kuya Wil" Revillame at  Michael V. aka "Kuya Wowie."

Naganap ang pagsasama ng dalawa sa Shopee special kamakailan. Bagaman kilala sa husay bilang comedian at impersonator si Michael V, aminado siyang kabado at hindi sanay sa pagiging host.

May bahagi sa programa na natatawa si Kuya Wowie dahil sa mga hirit ni Kuya Wil, na kaniyang ginagaya sa "Bubble Gang."

READ: Willie Revillame, bumilib kay Michael V

Una rito, inihayag ni Kuya Wil ang paghanga sa husay ni Michael V. Ayon sa TV host, isa kung hindi man pinakamataas na live views online ang paglabas ni Kuya Wowie sa naturang segment na umabot ng 60,000 kahit pa umere ito ng 12:30 ng madaling araw.

Panoorin ang nakatutuwang tagpo sa video ng "Wowowin-Tutok To Win."

--FRJ, GMA News