Naiyak sa sobrang saya ang ina ni EA Guzman nang makita ang regalo sa kaniya ng anak na isang bagong bahay.

Sa video post ni EA sa Instagram, makikita na may takip sa mga mata nang bumaba sa kotse si Mommy Sarrie, habang inaalalayan ng aktor.

Nang nasa tapat na sila ng bagong bahay, inalis na ni Mommy Sarrie ang piring at sinabi sa kaniya ni EA na, "Merry Christmas, Ma, bahay mo."

Wala nang nasabi ni Mommy Sarrie na napayakap sa anak at umiiyak.

Kasama ni EA sa ginawang pagsorpresa sa ina ang ilang kaanak at ang kaniyang nobya na si Shaira Diaz.

"About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy our new house, AKO NAMAN MA," sabi ni EA sa caption ng kaniyang post.

 

 

Sa isa pang post, magpakuha sila EA sa harapan ng bagong bahay at nilagyan niya ng caption na, "Dream come true."

Umani ng pagbati ang posts ni EA sa kaniyang mga follower, pati na ang iba niyang kapuwa celebrity.

--FRJ, GMA News