Katulad ng ibang magulang, hangad nilang mapabuti ang kalagayan ng kanilang anak pagdating ng araw. Si Pauleen Luna, may ibang pinapangarap para sa anak nila ni Vic Sotto na si Tali.

Sa Instagram post, inihayag ni Pauleen na patungkol sa pagkatao ang mas hinihiling niya para sa anak.

“My dream for her is to grow up to be kind and down to earth,” ayon sa aktres.

“‘Yan ang pangarap ko for her. That is real success,” dugtong niya.

Sa video clip na ipinost ni Pauleen sa kaniyang Instagram Story, makikita ang magandang pakikipag-usap ni Tali sa isang security guard at isang staff ng supermarket tungkol sa cake.

“I love that she’s friends with everyone,” ani Pauleen.

Lagi rin umanong ipinagdarasal ni Pauleen sa Diyos na gabayan si Tali tungkol sa pag-unawa sa tama at mali, at kababaang-loob.

“I never want her to think she is superior to anyone. I want her to treat and see everyone equally,” sabi ni Pauleen.

"Respect is also something I want her to show everyone because disrespect is not tolerated in our house," patuloy niya. “It would be my success to see my daughter have a good and kind heart. I will not cease praying.”

—FRJ, GMA News