Kahit pitong taon nang biyudo, wala pa rin sa isipan ng Kapuso actor na si Albert Martinez na maghanap ng bagong mamahalin at ipapalit ang namayapa niyang kabiyak na si Liezl,

Sa panayam ni Dr. Vicki Belo sa kaniyang vlog, tinanong niya si Albert tungkol sa estado ng love life ng aktor.

"I don’t have any," saad ni Albert. "I am still enjoying my time with my kids and apo kasi obviously I've been working hard and I missed so much time with my kids so now I am parang bumabawi sa kanila."

Ayon sa aktor, tuwing weekend ay ipinagluluto niya ang mga bata.

Tinanong din ni Vicki si Albert kung may mga babae bang nagpaparamdam sa kaniya o kung nagkakagusto ba siya sa iba.

"That's normal siguro, normal process," ani Albert.

Pero dugtong ng aktor, "I don’t go through with it. Parang I’m not ready yet. Liezl’s shoes is very hard to fill."

Nang tanungin si Albert kung ano ang mayroon kay Liezl para mahirap makalimutan, sabi ni Albert na ang kaniyang asawa ang kindest at smartest na tao na nakilala niya.

"We’re very good friends, she took really good for me. I don’t know if you believe in soulmate, but I believe she’s my soulmate," paliwanag niya.

Sa naturang vlog, ibinahagi rin ni Albert ang mga hirap at pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya nang panahon na lumalaban si Liezl sa sakit na cancer.

Pumanaw si Liezl noong 2015 dahil sa naturang sakit. —FRJ, GMA News