May bagong Kapuso real-life couple-- sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Sa Instagram posts, makikita ang  sweetness ng dalawa sa isa't isa.

Sa mga larawan na ipinost ni Rabiya sa kanilang Bohol adventure, makikita sa isang buhat-buhay siya ni Jeric.

"Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric," sabi ni Rabiya.

Sa comment section, sumagot naman si Jeric: "Let's be happy together. I love you."

 

 

Nag-post din si Jeric ng mga larawan nila ni Rabiya sa kaniyang account.

"To more memories with you @rabiyamateo I love you," sabi ng aktor.

Tumugon naman dito si Rabiya ng, "Through good and bad times, Im gonna be there by your side. I love you, babe."

 

 

Ayon sa isang ulat ng PEP.ph,  noong Disyembre ay nakita ang dalawa sa Enchanted Kingdom. Nakita rin silang magkasama sa isang beach.

Nagkasama ang dalawa sa isang episode ng "Wish Ko Lang" noong Nobyembre.

Ito rin ang buwan na pumirma si Rabiya bilang isang Kapuso matapos ang kaniyang final walk bilang Miss Universe Philippines. —FRJ, GMA News