Trip down memory lane ang peg ng throwback photo na ipinost sa Instagram ni Tina Paner.

Sa IG post ni Tina nitong Huwebes, makikita ang younger version ng ilan sa mga sikat na artista na aktibo pa rin ngayon sa showbiz.

Buhay na buhay ang 80s-90s era sa kasuotan ng "That's Entertainment" teen-agers tulad ng acid-washed jeans, baseball caps, at ang skinny-tie na suot ng kanilang mentor at host ng show na si Kuya Germs.

"Throwback Thats," ang simpleng caption ni Tina sa larawan.

Makikita si Tina na nakaupo at nakasuot ng colored stripes t-shirt sa ikalawang hilera.

Matutukoy mo kaya kung sino sa grupo si Billie Joe Crawford, Sharmaine Arnaiz, Sheryl Cruz, Chuckie Dreyfuss, Lilet, Ruffa Gutierrez, Kimpee de Leon, Janet Arnaiz, at iba pa?

Ang "That's Entertainment" ay dating sikat na youth-oriented talent and variety show na napapanood sa GMA Network noong 1980's hanggang 1990's. --FRJ, GMA News