Sa ikaapat na pagkakataon, nakaranas muli ng miscarriage ang singer na si Kyla.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kyla ang malungkot na nangyari na hindi nagtuloy ang kaniyang ipinagbubuntis.

Saad ni Kyla sa video clip, "It was hard to share my loss because we didn't tell anyone about the pregnancy."

"We wanted to share our excitement with our family but later on ended up sharing our grief. I am screaming and crying in my head and I couldn't tell anyone," sabi pa niya.

"Losing you again for the fourth time is unimaginable. I can't even put my feelings into words," ayon kay Kyla.

Sa kabila ng bagong pagsubok sa buhay, nananatiling matatag ang pananampalataya niya, "Lord, have it your way. I surrender all my hurt to you."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KYLA (@kylaalvarez)

 

May nakaaantig na mensahe rin si Kyla sa kaniya sanang magiging baby: "I hope you've felt how much we longed for you, prayed for you and how much we love you."

Mayroon isang anak sina Kyla at Rich Alvarez na si Toby na isinilang noong 2013. Pero noong 2018, nakaranas ng dalawang miscarriage si Kyla, at nangyari din isang taon na ang nakalilipas. — FRJ, GMA News