Sinabi ni Lianne Valentin na batid niya na marami ang naiinis sa kaniya dahil sa kaniyang pagganap bilang kontrabidang si "Stella" sa Kapuso afternoon series na "Apoy Sa Langit."

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Lianne na binabasa niya ang mga gigil na komento online ng mga viewer ng afternoon series.

"Alam ko high blood na po kayo at inis na inis na kayo pero hindi pa po natatapos ang journey ni Stella," mensahe ni Lianne sa mga galit sa kaniyang karekter na si Stella.

Marami pa raw gagawin si Stella na ikagagalit pa lalo ng mga manoood kaya dapat nila itong tutukan.

May patikim din naman si Lianne sa kahihinatnan ni Stella na malamang na kaawaan din ng mga manonood.

"Isa sa mga puwede kong i-spoil nang kaunti sa inyo is maaawa din kayo kay Stella. 'Yun lang ang masasabi ko, maaawa din kayo. You'll see," anang aktres.

Kapatuloy na tutukan ang "Apoy sa Langit" sa GMA 7 at GMA Network Youtube.--FRJ, GMA News