Sa ika-40 taong kaarawan ni Paolo Contis, may mensahe para sa kaniya ang kasintahang si Yen Santos.

Sa Instagram, nag-post si Yen ng video na makikita ang batang larawan ni Paolo habang naglalaba.

May video rin ng simpleng birthday celebration ng actor-TV host kung saan nag-blow siya ng birthday candle na tila sa isang restaurant.

Ang isa pang larawan, magkasama naman sina Yen at Paolo.

Sa caption ng post, binati ni Yen si Paolo na tinawag niyang "best friend."

"Screaming happy 40th birthday to my best friend!," saad ng aktres.

"Thank you for everything you do," dagdag pa nito.

 

 

Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Paolo at Yen, na nataon sa paghihiwalay noon nina Paolo at dating nobyong si LJ Reyes.

BASAHIN: LJ Reyes, ikinuwento kung kailan nagsimulang 'magbago' si Paolo Contis

Sa paglipat ni LJ at kaniyang mga anak sa Amerika, nakatagpo siya bagong pag-ibig at ikinasal noong nakaraang taon.

BASAHIN: LJ Reyes at Philip Evangelista, ikinasal na

Habang si Paolo, kinalaunan ay kinumpirma ang relasyon nila ni Yen. Pero nilinaw ng aktor na hindi si Yen ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ.

BASAHIN: Paolo Contis, inaming GF niya na si Yen Santos; pero 'di raw ugat ng hiwalayan nila ni LJ Reyes

Inihayag din ng aktor na nahulog ang loob niya kay Yen dahil hindi siya iniwan nito sa panahon na marami ang bumabatikos sa kaniya dahil sa nangyari sa relasyon nila ni LJ.

"Sobrang simpleng bagay lang. When the whole thing started, the whole crucifixion started, there was a time or there was every opportunity, she had every opportunity to tell me or to leave but she stayed," pahayag ni Paolo kaya niya minahal si Yen nang makapanayam sa Updated with Nelson Canlas.

BASAHIN: Paolo Contis, inihayag kung bakit siya na-in love kay Yen Santos

--FRJ, GMA Integrated News