Sa lotto outlet sa Caloocan City tinayaan ng mananaya ang ticket na solong tumama ng mahigit P222 milyon sa Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado, April 13.

Sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na sa lotto outlet sa Grace Park, tinayaan ng winning ticket na nakahula sa lumabas na mga kombinasyon na 17-26-30-39-14-07, na may kabuuang premyo na P222,993,453.20.

Mayroon ding 36 na mananaya ang nanalo ng 2nd prize na tig-P100,000 ang premyo sa nasabing draw.

Sa draw naman nitong Lunes, April 15, walang tumama sa jackpot para sa Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45.

Ang winning numbers sa Grand Lotto 6/55 ay 04-16-54-34-23-29, na may jackpot prize na P29,700,000.00.

Habang ang winning numbers sa Megalotto 6/45 ay 17-26-35-30-42-07, umaabot naman sa P30,657,681 ang premyo.

Alamin ang iba pang lotto results sa link.— FRJ, GMA Integrated News