May kakaibang pet ang mga residente sa Topolobampo, Mexico na isang bottlenose dolphin na hindi na umalis sa dagat sa kanilang lugar kahit pa pumanaw na ang kaniyang ina.Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapanonood ang mayor ng Topolobampo na si Juan Ulises Pinzon, na nagtampisaw sa tubig gamit ang kamay habang nasa bangka.Ilang saglit lang, lumabas at lumapit na sa kaniya ang bottlenose dolphin na pinangalanan nilang si "Pechocho.""What we do is wave the water and when it comes, we scratch it as if it were itching and it stays enjoying it," sabi ng alkalde.Palaisipan sa kanila ang naging ugali ni Pechocho na bukod sa malapit sa mga tao, hindi rin sumasama sa ibang grupo ng dolphin.Madalas kasing miyembro ng pods o grupo ang mga dolphin pero tila mas gusto ni Pechocho na magsolo."The curious thing is that this dolphin, without anything blocking the way... why has it never left or why has no other dolphin come in here where it is?" sabi ni Pinzon.Ayon sa mayor, taong 1995 nang mapadpad sa Topolobampo Bay ang ina ni Pechocho, na kasagsagan noon ng isang malakas na hurricane. Doon na rin isinilang si Pechocho.Pumanaw na ang kaniyang ina, ngunit hindi umalis sa lugar si Pechocho at mag-isang nanirahan na roon na umaabot na ngayon ng 30 taon.Paliwanag ng isang oceanologist, si Pechocho ay isang solitary-sociable animal."They may have arrived at the lagoon with a group, and the animal decided to stay or it suddenly lost its mates and couldn't go back to the sea, but it found a safe place with food," sabi ni Eduardo Morteo, isang oceanologist."Probably, as fishers treat it well and, generally, people don't have any conflict with the animal, generally, people don't have any conflict with the animal, they eventually got used to these situations as do dolphins that are captured and live in captivity," dagdag ni Morteo.Tungkol naman sa dahilan ni Pechocho ng hindi niya pag-alis, sinabi ng mga taga-lugar na hindi naman talaga nag-iisa ang dolphin.Hangga't nabubuhay si Pechocho, ituturing siyang pet ng mga residente at mananatiling "mascot" ng kanilang bayan. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News