May pasilip sa "Your Honor" ang komedyanteng si Boobsie Wonderland tungkol sa kaniyang naging kabataan. Bagaman nagpapasaya siya ng mga tao sa kaniyang trabaho ngayon, tila puno naman ng drama ang buhay niya noon.Sa teaser ng ipalalabas na episode para sa Sabado, nagbalik-tanaw ang mga host na sina Tuesday Vargas at Buboy Villar, at guest nilang si Boobsie tungkol sa kanilang kabataan.Ayon kay Boobsie, kabilang siya sa mga bata noon sa Navotas na "dumidiskarte" ng nangunguha ng isda nang walang paalam."Nasubaybayan ko ang paglaki ko na hindi maayos ang pamumuhay," madramang saad ni Boobsie pero biglang bawi na, "Hala, totoo ba mag-iiyakan tayo?"Ibinahagi rin niya sa teaser na 14-anyos lang siya nang mag-umpisa siyang magtrabaho sa Japan para sa kaniyang pamilya.Pero nalaman daw ito ng kaniyang ina.“Nung nag-Japan ako nung 14-years-old, nalaman ng Mama ko na... 'Anong, aalis ka papuntang Japan?,'" kuwento ni Boobsie.Pagpapatuloy niya, “'Ma, nakapag-cash advance na ako ng P20,000. Kung ayaw n'yong mag-Japan ako, e 'di balik n'yo na lang 'yung twenty.'"Sagot daw ng kaniyang ina sa kaniya, "Oh, basta mag-iingat ka, anak.'”Sa pagbabahagi nila ng kanilang alaala noong panahon na bata sila, sinabi ni Boobsie, "Minsan ang sarap pa talagang maging bata," na inayunan naman naman ng mga host.Panoorin ang episode ng "Your Honor" sa Sabado, Mayo 3, kung saan magpapakitang gilas din si Boobsie sa kaniyang husay sa Nihonggo o wika sa Japan. -- FRJ, GMA Integrated News