Nagdesisyong magtulong-tulong ang mga residente matapos nilang mamataan ang isang pating na napadpad sa mababaw na parte ng dagat sa bayan ng Ardrossan, Australia. Sa kanilang paglapit, natuklasan nila na isa pala ito sa mga pinakadelikadong pating sa mundo.
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, sinabing kasama sa mga nakakita sa pating ang mag-amang sina Nash at Parker Core.
"Well, we were just going out to do some crab raking on the low tide. And we come around the headland and we saw a few people just looking over, and we are like, 'Oh what's happening?'" kuwento ni Nash.
"At that time, some locals were already starting to wade out to go help and Parker and I said 'Let's get down there and try to help as well," sabi pa ni Nash.
Paglapit ng mga tao, doon nila natuklasan na isa palang Great White Shark na tatlong metro ang haba ng pating na napadayo sa kanilang dalampasigan.
Sa kabila ng peligro, hindi nagdalawang-isip sina Nash at Parker at iba pang residente na tulungan ang pating na makabalik sa karagatan.
"We're unsure at this stage, but it looked pretty sick. It was pretty knackered. It was pretty tired and just didn't have much strength, so hopefully it did but we're unsure at this stage," sabi ni Nash.
Sa kabutihang palad, walang nasaktan sa mga tao, at nakaligtas din ang pating.
Itinuturing world's deadliest shark ang Great White Shark.
Base sa International Shark Attack File, may 351 na napaulat na pag-atake ng mga Great White Shark sa mundo. Sa mga inatake, 59 ang nasawi.
Madalas umaatake ang mga Great White Shark sa mababaw na parte ng dagat.
Pero hindi naman kabilang ang tao sa natural prey ng mga Great White Shark.
Sinabi ng mga researcher na napagkakamalan ng mga pating na sea lions o marine mammal ang mga tao kaya sila umaatake, bagaman ito ay rare occurence o bihirang mangyari.
Sa kabila ng nakakakabang insidente, hindi malilimutan ng batang si Parker ang kaniyang karanasan.
"Yeah probably, it was a good experience," sabi ni Parker.-- FRJ, GMA Integrated News