Nagulat at hindi napigilan ng isang pulis na matawa nang nakita niya sa loob ng kotse ang isang raccoon ang may hawak na meth pipe na tila susubukan pa nitong hithitin sa Ohio, USA. Ang sasakyan, pag-aari ng isang babaeng drug suspect.Sa ulat ng GMA Integrated News, sinabing inilahad ng Springfield Township Police Department na sinita nila ang 55-anyos na driver na si Victoria Vidal sa South Arlington Road dahil sa kaniyang active warrant.Bukod dito, suspendido rin ang kaniyang lisensiya sa pagmamaneho. Pero nadagdagan pa ang ang asunto ni Vidal nang mabisto ang mga illegal drug drug paraphernalia sa kaniyang sasakyan na nakitang hawak ng alaga niyang raccoon na si "Chewy.""The raccoon is playing with her meth pipe. He's trying to smoke it! There's no way!" natawang sabi ng pulis.Hinalungkat ang kotse ng babae at nakita roon ang bulto ng shabu, crack cocaine at tatlong meth pipes."While our officers are trained to expect the unexpected, finding a racoon holding a meth pipe is a first," sabi ng Springfield Township Police Department.Batay sa mga awtoridad, may permit si Vidal at legal ang pag-aalaga niya kay Chewy.Sinuri ng mga beterinaryo ang raccoon at siniguro nilang nasa maayos itong kalagayan.Samantala, sinampahan ng patong-patong na kaso si Vidal."Ms. Vidal was charged with F3 possession of drugs, three counts of possession of drug paraphernalia, and was cited for driving under suspension," sabi ng Springfield Township Police Department.Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Vidal, na hindi nagbigay ng pahayag kaugnay sa drogang nakuha sa kaniyang kotse. -- FRJ, GMA Integrated News