Inaatasan ng Kamara de Representantes si Quezon City 4th District Representative Bong Suntay na mag-public apology kay Anne Curtis, kaugnay ng kontrobersiyal at nakakabastos umano nitong "analogy" na ginamit ang pangalan ng aktres.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, matatandaang inilahad ni Suntay ang mga kaniyang mga pahayag kay Curtis noong Marso sa isang pagdinig sa Kamara.
Inutusan ng kapulungan si Suntay na mag-community service at sumailalim sa Gender Sensitivity Seminar.
Mahigit 200 mga Kongresista ang pumabor sa disciplinary sanction na inirekomenda ng House Ethics Committee laban kay Suntay.
Wala pang pahayag ang mambabatas.
Sa isang pahayag noong Marso, kinondena ni Anne ang inilarawan niyang “vulgar and sexualized” na “analogy” ni Suntay, na ginamit ang pangalan niya nang walang pahintulot.
“Mr. Suntay, I won't spend much time on you. Not because what you did was small, but because this was never really about you. Since you used me as an example, let me use you as one too. You've become the poster boy of something much bigger: a culture that still thinks it's acceptable to talk about women this way. Worse, one that tolerates it from our leaders. As they say, misogyny dressed up as a joke is still misogyny. You hold a seat paid for by taxpayers. Women are taxpayers. I am a taxpayer. We are not props in your commentary,” anang aktres.
Humingi naman noon ng paumanhin ang kongresista kay Anne pero pinanindigan niya ang kaniyang “analogy.”
"While may mga tao siguro that found the analogy in bad taste, doon sa mga na-offend, tayo'y, inuulit ko, walang malice doon sa ninais nating gawin doon sa statement na iyon. Ayaw natin makasakit through that analogy. But kung may nasaktan, humihingi tayo ng dispensa. Kay Ms. Anne Curtis din, kung nasaktan siya sa sinabi, uulitin ko, there was no malice intended at tayo humihingi ng dispensa sa kanya. Pero when, totoo yung it was a fictitious situation na aking ginawa. Isa lang ang totoo doon. Yung sinabi kong ang ganda-ganda niya," paliwanag ni Suntay.—Jamil Santos/FRJ GMA News
