Isang aso sa South Dakota sa Amerika ang nakapasok sa Guinness World Record books dahil sa kaniyang mahabang dila.
Bukod sa kaniyang overload na cuteness, taglay na ng walong-taong-gulang na si Mochi “Mo” Rickert, may lahing St. Bernard, ang titulong may pinakamahabang dila sa sukat na 7.31 na pulgada.
Natalo ni Mochi ang dating record holder na si Puggy na isa namang Pekingese na ang dila ay may habang 4-point-5 inches.
Napag-alaman na si Mochi ay nakuha ng kaniyang amo sa isang rescue center noong dalawang-taong-gulang siya.
Wala rin daw problema kay Mochi ang bihisan at mahilig din magpakuha ng larawan. -- FRJ, GMA News


