Itinuturing hero ang isang asong golden retriever nang sagipin niya ang kaniyang amo mula sa tuklaw ng makamandag na rattlesnake sa Arizona, USA.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, ikinuwento sa social media post ng amo ng asong si Todd, na namamasyal sila sa burol nang hindi niya mapansin ang makamandag na ahas na muntik na niyang maapakan.

Kaagad na kumilos si Todd na dahilan para siya ang matuklaw sa mukha na naging dahilan para mamaga ito.

Isinugod naman sa ospital si Todd at nagpapagaling na ngayon. -- FRJ, GMA News