Hindi lang mga bulaklak at sulat, kundi dinala pa sa dinner date ng isang tatay sa Quezon City ang kaniyang tatlong anak na babae nitong Valentine's Day. 

Paliwanag ng tatay, ginawa niya ito para matutong hindi masilaw ang mga anak sa regalo at sa halip, tumingin sila sa karakter ng mga manliligaw.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing dinala ng amang si Chi Martillo ang kaniyang sorpresa sa paaralan ng mga anak na sina Nikki, Chelsea at Chynna.

Kinatok ni Chi ang kani-kanilang mga classroom saka iniabot ang mga regalo.

Matapos nito'y nag-dinner date ang pamilya kasama ang kanilang nanay. — Jamil Santos/RSJ, GMA News