Isang college graduate mula sa Los Baños, Laguna, ang naging usap-usapan online dahil sa kakaibang regalong hiniling niya sa kanyang mga magulang bilang graduation gift.

Ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Martes, hiniling ni Mac Andre Arboleda ang isang lapida bilang graduation gift mula sa kanyang mga magulang sa halip na tarpaulin.

Ani Mac, na nagtapos ng BS Development Communication sa UP Los Baños, common na ang tarpaulin at hindi ito masyadong magagamit.

Plano ni Mac na gamitin ang lapida na patungan ng kanyang laptop. —KBK, GMA News