Suspendido ng FIBA ang Amerikanong basketball player na si DJ Cooper matapos mag-positive ang resulta ng drug test nito — sa pagiging buntis!

Sa ulat ng EuroHoops, nag-doping test si Cooper bilang bahagi ng proseso para maging naturalized player ng Bosnian national team.

Nakuha sa urine test niya ang presence ng hCG, isang hormone na ginagawa lamang ng placenta sa mga buntis na babae.

Agad siyang sinuspinde ng FIBA dahil sa fraud. Hindi siya maaaring maglaro hanggang June 2020.

Nauna nang inanunsyo ng Cooper na hindi muna siya maglalaro ng basketball noong 2018. —JST, GMA News